Rufamae

Rufa Mae, ‘bibinyagan’ sina Kelvin, Abdul at Shaun

June 8, 2022 Jun Nardo 124 views

MAGLALANTAD ng katawan, magpapa-bukol at may pakili-kili sa sariling sitcom sina Kelvin Miranda, Abdul Rahman at Shaun Salvador sa Tols.

Inspired ang sitcom ng Palibhasa Lalake nina Joey Marquez, John Estrada at Richard Gomez na mapapanood sa GMA News TV simula sa June 25 mula sa direksyon ni Monti Parungao.

“Pang-itaas lang po ba? Hahaha!” tanong ni Kelvin na unang sasabak sa komedya.

“Ako ‘yung laging hubadero rito bilang tambay at mahilig sa chicks. Character ko na ko ‘yon,” saad ng baguhang si Shaun sa interview.

“Daring na sa amin ’yon para sa TV. Hindi siya common. Basta kami naman, pinag-usapan na huwag ma-concious. Ibigay na namin sa viewers (ang imahinasyon),” rason ni Kelvin.

“Basta walang arte-arte!” singit ni Abdul.

“Magsasawa sila sa show,” dugtong ni Kelvin.

Sa sitcom na Tols, si Rufa Mae Quinto ang magbibinyag sa comedy nina Kelvin, Abdul at Shaun na lalabas na nanay nila.

‘11’ SA 30TH

THIRTY years na sa music industry ang bandang True Faith. Eh, sa bagong milestone sa kanilang career, naglabas sila ng album titled 11, huh!

Tatak na ng True Faith ang catchy pop songs gaya ng Perfect, Everything She Wore, Huwag Na Lang Kaya, Dahil Ikaw, Kung Okey Lang sa ’Yo, ’Yun Lang at iba pa na hit nu’ng early ’90s at paborito pang kantahin ngayon.

Anim na kanta ang nakapaloob sa 11 kung saan maririnig ang mga kantang Dyahe, Your Ready Smile at Refriend.

Magkakaroon ng US tour ang True Faith at sa bagong album na 11 under Viva Records, ayon sa lead vocalist n si Medwin Marfil, “This could be our last collection of new songs or this could mean a fresh start.”

AUTHOR PROFILE