Diego

I never cheated on Barbie — Diego

June 8, 2022 Vinia Vivar 125 views

“I never cheated on Barbie.”

Ito ang paglilinaw ni Diego Loyzaga sa kanyang online interview with Rico Robles of Monster RX 93.1.

Ang tinutukoy ni Diego ay ang ex-girlfriend na si Barbie Imperial.

Napag-usapan kasi nina Rico at Diego ang challenges ng mga lock-in shoot at dito nabanggit ng aktor na walang nangyari sa kanila ng isang girl na hindi niya tinukoy kung sino.

“It became a thing na kapag lock-in taping, may nangyayari, may ganu’n-ganu’n. But I can sit here in front of you right now and tell you, nothing ever happened between me and her like that I can happily sit on this chair and say I never cheated on Barbie,” pahayag ni Diego.

Hindi man binanggit ng aktor ang pangalan ng co-star sa lock-in shoot, obvious na si AJ Raval ito dahil matatandaang na-link sila last year matapos gawin ang pelikulang Death of a Girlfriend.

Ayon pa kay Diego, nilinaw niya rin kay Barbie na hindi siya nag-cheat at alam naman daw ito ng ex-gf.

“She knows that. I saw her two weeks ago at a club and I said to her, ‘you know B, after everything that we went through. You really do know that I never cheated on you’ and she’s like, ‘Diegs, I know, I know,’” kwento ni Diego.

Tinanong pa raw niya ulit si Barbie, “Despite all the stories? Are you sure you believe me when I say I never cheated on you cause I hear stories that you believed that.”

At sagot daw ulit ni Barbie, “No, Diegs, I know.”

Dagdag pa ng aktor, “My friends know that, all my closest friends, my friends in the industry know that I never did (cheat).”

Sa nasabing panayam ay inamin ni Diego that he’s dating ex-Pinoy Big Brother Franki Russel na nakilala niya nang mag-tape sila sa Rolling In It Philippines game show ni Yassi Pressman.

“We really did click so I would definitely say that right now, we’re dating,” ani Diego.

AUTHOR PROFILE