Ruffa

Ruffa, personal choice ni Imelda

June 8, 2022 Ian F. Fariñas 530 views

MAY pa-resibo si Ruffa Gutierrez sa mga kritikong nagsasabi na ngayon lang niya minahal ang dating First Lady na si Imelda Marcos matapos magwagi si President-elect Bongbong Marcos at siya ang napiling gumanap sa karakter nito sa Maid in Malacañang movie ni Direk Darryl Yap para sa Viva.

Sa kanyang social media account ay ipinost ni Ruffa ang isang lumang litrato nila ni Imelda na aniya ay kuha noon pang 2018 sa 80th birthday celebration ng Regal matriarch na si Lily Monteverde.

Aniya, “Good morning, world!

“To the critics that are commenting na ngayon ko lang minahal si Madame Imelda Marcos after PBBM’s win: You guys are absolutely wrong! Please feel free to check my IG feed — original date and caption is there. My photo with Madame was taken at Mother Lily’s 80th birthday celebration on August 20, 2018.

“Of course I am excited about my participation in the upcoming #MaidInMalacanang film under Viva Entertainment directed by Darryl Yap so I reposted it.

“Besides, my good relationship with the Marcos family is beyond politics. Panahon pa ng Daddy ko sa Sampaguita Pictures, kaibigan na niya ang pamilya Marcos. Hindi pa po ako buhay noon.

“’Yun lang po. Have a beautiful day, gorgeous people!” pagtatapos ni Ruffa na nagsabi pang marami pa silang litrato together na lalabas.

Maging si Direk Darryl, ipinaliwanag sa Facebook kung bakit ang beauty queen-actress ang napisil sa role.

Bukod sa pagiging personal choice ni Imelda, wala na raw siyang ibang maisip na karapat-dapat habang isinusulat niya ang Maid in Malacañang.

“While marami ang nagsasabing si Alice Dixon, Dawn Zulueta, Gretchen Baretto o Lucy Torres (na talagang mahuhusay rin at magaganda) meron si Ruffa na palagay ko mas makakatulong sa manonood na maunawan si Imelda Marcos.

“Itong #MiM kasi, ito yung kwento na hindi pa natin naririnig o nakikita — hindi ko kailangang kumanta o magdrama o maging asawa ng pulitiko ang Imelda Marcos sa aking pelikula… kailangan ko siyang maging natural, makatotohanan at malapit sa realidad.

“Malakas ang kutob kong kayang-kaya ni Ruffa gampanan ang mga huling sandali ng pamosong first lady sa loob ng Malacanang. parehas kasi sila… Misinterpreted Beauty.

“Aminin man natin o hindi, minsan dahil maganda ang tao — mabilis din nating husgahan… madali nating kinukwenta at tinatawaran ang pagkatao.

“Totoong ang mundo ay galit sa pangit, pero sa mga magaganda ito pinakamalupit.

“’Di ako masyado sure kung makakarelate kayo? Mahirap maging Maganda. iniisip ng tao- puro ka arte, mababaw ka at yan lang ang puhunan mo sa lahat ng nais mong makamit. natatabunan ng ganda ang halaga… na minsan, ang isang maganda ay may kwentong mas maganda pa sa kung ano siya sa harap ng madla…isang anak, ina, asawa at isang tao,” sabi pa ng kontrobersyal na direktor.

AUTHOR PROFILE