Hontiveros Senadora Risa Hontiveros

Risa humiling ng alalay sa mga biktima ni Senyor Agila

April 9, 2024 PS Jun M. Sarmiento 69 views

PAG-ALALAY at kalinga.”

Ito ang mariin na rekomendasyon ni Senadora Risa Hontiveros sa pamahalaan matapos magdesisyon ng pinal ang Department of Environment and Natural Resources na tuluyanh ipasara at ipahinto ang Socorro Bayanihan Services INc (SBSI) na nasa ilalim ng diumano’y kulto ni Senyor Aguila.

Para kay Hontiveros, tama lamang ang ginawa ng DENR upang matuldukan na ang ginagawang pugad ng pang aabuso ng diumanong kulto ni Senyor Aguila ngunit hiniling din niya sa kasalukuyan gobyerno ng lokal at nasyonal, na alalayan ang mga biktima na ito at bigyan ng tulong upang makapamuhay ng tama at maayos.

“Dapat mag tulong-tulong ang ating mga ahensiya, kasama ang lokal na pamahalaan ng Socorro at Surigao del Norte, para mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan ng Kapihan. Mga biktima din sila ng kahirapan na napilitang kumapit sa mga pangako’t panloloko ni Senior Agila.” ani Hontiveros.

Nauna ng napaulat na ang DENR ay kumpirmadong umaksyon na sa pamamagitan ng pagbibigay terminasyon sa SBSI na umuokopa sa nasabing lugar sa Surigao del Norte kung saan ay inilahad din ng ahensya ang mga diumanoy pagkukulang nito tulad ng monthly, quarterly at annual reports na maglalahad ng Community-based Resouce management plan dapat ng SBSI.

Iginiit ni Hontiveros na dapat bigyan ng rehabilitasyon ang buong kommunidad na ito sa tulong ng local at nasyonal na pamahalaan upang makapanimula silang muli ng kanilang buhay ng walang takot at pangamba.

“Tulad ng ipinahayag ko sa aming mga hearing, dapat magkaisa ang Estado para matiyak na ang bawat miyembro ng Kapihan ay makapamuhay ng may dangal at dignidad.” giit ni Hontiveros.

Ipinahayag din ni Hontiveros ang panawagan na dapat makipag tulungan ang nasabing kommunidad sa gobyerno at awtoridad upang maisaaayos ang kanilang pamumuhay ng may sistema at naayon sa batas.

“Nais ko ring ipanawagan sa mga taga-Kapihan na mag-cooperate sa awtoridad sa prosesong ito. We only wish for them to live in safety, freedom, and genuine peace.” dagdag pa ni Hontiveros.