Default Thumbnail

Rider sumemplang, nagulungan ang ulo ng parating na sasakyan, dedo

January 15, 2023 Melnie Ragasa-limena 336 views

NASAWI ang isang 28-anyos na call center agent nang mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo at magulungan ang ulo ng paparating na sasakyan sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Brylle Aldred Eulalio, 28, nakatira sa Diamond St., Payatas B, QC.

Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Xpander na si Gian Paolo Unlayao Germina, 25, residente ng 125 Kamias, Kamuning, QC.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, bandang 9:20 p.m. (January 14) nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng IBP Road malapit sa near DSWD Building, Brgy. Payatas, Quezon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PEMS Rosalina Rebutido ng Traffic Sector 5, kapwa binabyay ng biktima sakay ng Honda Wave MC at ng suspek na lulan ng Mitsubishi Xpander ang kahabaang ng IBP Road, Brgy. Payatas, galing Batasan patungong Commonwealth Avenue.

Pagsapit sa nasabing lugar ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ng motor ang rider at bumagsak kasama ang back rider sa semento, na siya namang pagdating ng Mitsubishi Xpander na minamaneho ni Germina at nagulungan ang ulo ng biktima na agaran niyang ikinasawi.

Nasa kostudya na ng Traffic Scetor 5 ang driver ng Mitsubishi Xpander at inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isasampa laban sa kaniya.