Default Thumbnail

Kelot ‘minanyak’ dalagitang kasama sa bahay

January 16, 2023 Edd Reyes 243 views

PINANGGIGILAN ng 25-anyos na “manyakis” ang bubot na dibdib ng dalagitang kasama niyang naninirahan sa bahay na dahilan ng kanyang pagkakakulong Lunes ng umaga sa Navotas City.

Sa paunang pagsisiyasat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas Police, mahimbing na natutulog umano sa loob ng silid ng kanilang tirahan sa Barangay NBBS-Kaunlaran ang menor-de-edad na dalagita, nang palihim at dahan-dahang pumasok diumano ang suspek dakong alas-5:40 ng madaling araw.

Sinamantala umano ng lalaki ang mahimbing na tulog ng biktima at mistulang hayok sa laman na pinagapang ang kanyang kamay sa bubot pang dibdib ng dalagita.

Nahinto lamang ang pagsasamantala ng lalaki nang magising ang biktima na dahilan upang mabilis na lumabas ng silid ang suspek.

Nagpasiya naman ang dalagita na isumbong sa kanyang 38-anyos na ina, isang fish vendor, ang ginawa sa kanya ng suspek kaya’t noon din ay humingi sila ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa lalaki.

Hawak na ngayon ng WCPD ang kaso habang inihahanda na ni P/SSgt. Chona Riano ang mga dokumento para sa pagpi-prisinta sa suspek sa City Prosecutor’s Office ng Navotas para sa isasampang kasong “acts of lasciviousness.”

AUTHOR PROFILE