Ricky

Ricky, mas bata ang non-showbiz GF

June 13, 2023 Ian F. Fariñas 378 views

KARAY-KARAY ni Ricky Davao sa katatapos na mediacon/celebrity screening ng bago niyang pelikula na Monday First Screening ang bago niyang girlfriend na aniya ay mas bata sa kanya.

Tikom ang bibig ng actor-director kung ilang taon na ang babae at kung ano ang pangalan nito.

Katwiran niya, siya ang tipo ng artista na quiet lang pagdating sa personal life.

Maging ang mga kaibigan nga raw niya sa showbiz tulad nina FDCP chairman Tirso Cruz III atbp. gulat na malamang may bago siyang lovelife.

Ang ibinahagi lang ni Ricky ay nagkakilala sila dahil sa pareho nilang interes: Pagkain. Pero mabilis niyang dinenay na chef ang kanyang girlfriend.

Anyway, tanggap naman daw ng mga anak nila ni Jackie Lou Blanco ang bago niyang girlfriend. Katunayan, “tita” ang tawag ng mga ito sa kanilang magiging “stepmother” kung sakali.

Nahingan din ng press ng reaksyon si Ricky tungkol sa recent interview ni Boy Abunda sa ex-wife niyang si Jackie Lou na nagsabing ang breakup nila ang isa sa regrets niya sa buhay.

Anang actor-director, hindi niya napanood ang nasabing interbyu, pero narinig ang tungkol dito.

“Well, we all have our regrets, ‘di ba? And it happens and then after that we move on. ‘Yon,” ang naging maikling tugon ni Ricky sa tinuran ni Jackie Lou.

Samantala, kasama ni Ricky sa tinatawag na “senior citizen rom-com” na Monday First Screening ang batikang aktres na si Gina Alajar sa ilalim ng direksyon ni Benedict Mique.

Produced ito ng Net25 Films at ipapalabas sa mga sinehan nationwide soon.

AUTHOR PROFILE