Lani

Rep. Lani bet makilala nang personal si Hyun Bin

April 1, 2024 Vinia Vivar 75 views

Would you believe na fan din pala si Bacoor Representative Lani Mercado ng Korean Superstar na si Hyun Bin na bumida sa hit K-drama na Crash Landing On You?

Sa tsikahan ng entertainment press kay Rep. Lani kahapon, naitsika niya na gusto niyang makarating sa Switzerland para bisitahin ang mga lugar na pinagsyutingan ng CLOY partikular na nga ang famous Lake Brienz.

Napanood niya ang nasabing K-drama noong pandemic and since then ay naging fan na siya ng nasabing South Korean actor.

Nakakaaliw ang kwento niya na may standee siya ni Hyun Bin sa bahay na kapag nagtatrabaho siya ay nasa likod niya.

Dumating na nga sa point na nagselos na ang mister niyang si Sen. Bong Revilla sa standee ng Koreanong aktor.

“’Di ba nagkaroon ng work from home? So, nandu’n siya (Hyun Bin’s standee), nagpe-paper work ako, para siyang bodyguard ko sa likod,” sey ni Rep. Lani na first time yatang naging fangirl.

Wish nga niya na ma-meet nang personal si Hyun Bin na aniya ay ka-birthday pa ni Sen. Bong (Sept. 25).

Speaking of kaarawan, birthday ni Rep. Lani sa April 13 at tulad ng nakagawian ay magkakaroon siya ng month-long activities sa Bacoor bilang parte ng kanyang birthday treat sa mga constituent niya.

Narito ang line-up ng birthday activities ni “Ate Lani” para sa kanyang constituents: April 4, blessing ng covered court, Molino 2 at blessing ng multi-purpose building, San Nicolas 2; April 6, medical mission, Molino 2; April 12, Passport on Wheels at blessing ng multipurpose building, Aniban 1; April 13, “G na G with Ate Lani” birthday concert with Itchyworms and Flow G, NOMO parking lot; April 16 Job Fair, SM Bacoor; April 17, Blood letting activity, Strike Gym, blessing of covered court, Molino 4 at blessing ng covered court, Habay 1; April 21, Medical mission, Niog; April 25, blessing of covered court, Molino 4 at blessing ng covered court sa Queensrow West.

AUTHOR PROFILE