Echo

ECHO SUMISINGIT SA EKSENANG KATHDEN

April 1, 2024 Vinia Vivar 114 views

BEST birthday para kay Kathryn Bernardo ang kanyang nakaraang 28th birthday. Bakit kaya niya nasabi ‘yon? Hmmm…

Anyway, isa nga sa mga naging selebrasyon ay ang reunion ng Hello, Love Goodbye cast kung saan reunited si Kath sa kaparehang si Alden Richards.

Nag-duet pa nga sina Alden at Kakai Bautista ng Bakit Ngayon Ka Lang at nasabi ni Alden sa isang post na ngayon lang niya ginawang kumanta sa isang birthday celebration.

Of course, alam nating may clamor ng reunion movie nina Kathryn at Alden kaya abangers na lang tayo kahit may Jericho Rosales na sumisingit sa eksena, huh!

AUTHOR PROFILE