Jose

Jose at Wally bentang-benta sa tour sa Canada

April 1, 2024 Jun Nardo 121 views

BENTANG-BENTA sina Jose Manalo at Wally Bayola sa kanilang Canada tour nitong Holy Week.

Talaga namang na-miss nang husto ang kakulitan nila sa pagpapatawa ng mga taong dumagsa sa venue ng shows nila.

Naging maayos naman ang kanilang promoters lalo na’t walang sakit ng ulo at masyadong demands sina Jose at Wally.

Trabaho at magpasaya ang dahilan ng tour nila at hindi upang magmayabang at pasakitin ang ulo ng mga promoter.

Sa ganyang first time promoters, dapat lang na tulungan at huwag bigyan ng problema.

“Lahat naman napag-uusapan,” sabi ng manager nilang si Joel Roslin.

Sa Saskatoon ang huling leg ng Canada Tour nina Jose at Wally dahil live na silang mapapanood sa Eat Bulaga bukas, Wednesday.

Bago ‘yon, nagkaroon din sila ng show sa Ontario at Calgary.

AUTHOR PROFILE