Maja

BUNTIS NA SI MAJA HATAW PA RING SUMAYAW

April 1, 2024 Vinia Vivar 88 views

Super-excited na si Maja Salvador na makita ang kanilang first baby ng mister na si Rambo Nunez.

Sa kanyang bagong Instagram post ay sinabi ng aktres na hindi na siya makapaghintay na makita ang kanilang baby girl.

“Few more months and we’ll get to see our baby girl already! Can’t wait!” ani Maja.

Makikita rin sa post ng preggy actress ang larawan ng ultrasound ng kanilang baby at isang dance video niya.

Hataw pa ring sumayaw ang aktres kahit malaki na ang kanyang tiyan.

Matatandaan na inanunsyo ng mag-asawa last December ang pagbubuntis ni Maja sa kanilang first baby na isisilang ngayong Year of the Dragon.

AUTHOR PROFILE