Frasco5

Rep. Frasco tuloy ang serbisyo

March 21, 2024 Mar Rodriguez 90 views

Frasco1Kahit Congress break

TULUY-tuloy pa rin ang pagseserbisyo ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco kahit bakasyon na ang 19th Congress.

Binisita niya kamakailan ang Brgy. Sabang, Danao City para pangunahan ang inagurasyon ng Shoreline Protection projects na nagkakahalaga ng P49 million sa Cebu North Coastal Road bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ng House Deputy Speaker na isinagawa ang shoreline protection projects para sa rehabilitation ng national road shoreline structures matapos itong masira at gumuho dulot ng nagdaang bagyo sa Cebu.

Sumaklaw sa dalawang barangay sa Danao City ang proyekto sa pamamagitan ng paglalagay ng “wave deflectors” at seawalls para maiwasan ang malakas na impact ng alon bago sa oras ng kalamidad.

Nauna rito, nag-sponsor si Frasco ng libreng medical mission sa Danao City kasabay ng pamamahagi ng libreng gamot.

AUTHOR PROFILE