Edu

Relasyong Edu at Cherry Pie kumpirmado na

November 21, 2021 Aster Amoyo 247 views

PauloIT’S out in the open. Kumpirmado na ang relasyong Edu Manzano at Cherry Pie Picache, dalawa sa stars ng tumatakbong primetime TV series on ABS-CBN, ang drama romantic-comedy na “Marry Me, Marry You” kung saan ang mga pangunahing bituin na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ay nali-link din ngayon sa isa’t isa.

Papel ng estranged parents ni Andrei (played by Paulo Avelino) ang ginagampanang character nina Edu at Cherry Pie sa “Marry Me, Marry You”. Sigurado kami na sa set ng kanilang serye nagsimula ang attraction sa pagitan ng ama ni Luis Manzano at ina ni Nio Tria.

Wala namang magiging sagabal sa kanilang pag-iibigan dahil matagal nang hiwalay si Cherry Pie sa kanyang longtime non-showbiz partner na si Gary Tria. Hiwalay na rin si Edu sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Iryne Garcia.

Kilala si Cherry Pie sa kanyang pagiging mahusay na aktres na dedicated sa kanyang craft, a single mom to her 19-year-old son na si Nio, loving, caring, mabait, down to earth, matalino and friendly kaya hindi kataka-takang ma-in love sa kanya ang ama si Edu.

Sina Cherry Pie at Edu ay magkasamang namasyal sa Big Apple (New York) kung saan naka-base ang dalawang anak ng actor-host and entrepreneur sa dating model na si Rina Samson na sina Enzo at Addie. Ang couple ay nakapanood din ng ilang Broadway play at kasama na rito ang “Moulin Rouge: The Musical”.

Cherry Pie has never been married habang si Edu ay dalawang beses nang ikinasal. Una sa actress-politician na si Vilma Santos-Recto kung kanino siya may isang anak, si Luis Manzalo at pangalawa sa “Diamond Star” na si Maricel Soriano. Both marriage ay nauwi sa hiwalayan. Bukod kina Vi at Maria, si Edu ay na-link din sa ibang babae tulad nina Alicia Mayer, Anjanette Abayari, ang news anchors na sina Pinky Webb at Cheryl Cosim, maging ang isang executive ng TV5 at ang non-showbiz na Iryne Garcia.

Sa 66th birthday ni Edu last September 14 ay binati siya ni Cherry Pie sa Instagram. It was late last month nang mamataan ang dalawa sa New York City at doon na rin sila inabutan ng Halloween celebration.

RayverSamantala, ngayong kumpirmado na ang relasyon nina Edu at Cherry Pie, nakasubaybay naman ang netizens kung sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino naman ang susunod na aamin na susundan nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

BertDirek Bert namaalam na

ISA na namang malungkot na balita ang bumulaga kahapon, November 21, 2021 sa maagang pagpanaw ng veteran TV director na si Bert de leon sanhi ng Covid-19 complications.

A friendly and well-loved person in the industry, si Direk Bert was given the break to direct on TV ng yumaong producer-director na si Kitchie Benedicto ng Broadcast City that housed RPN-9, BBC-2 at IBC-13 nung Martial Law days.

Ilan sa mga programang dinirek ni Direk Bert include “Okay Ka, Fairy Ko,” “1 for 3,” “Eat Bulaga,” “John en Shirley,” “Daddy Di Do Du,” “Full Haus,” “Superstar Duets,’ “Dear Uge,” “The Jose Manalo and Wally Bayola Show Starring Vic Sotto,” “Pepito Manaloto” and “Bubble Gang” among others.

To the family of Direk Bert, ang aming taos-pusong pakikiramay.

Jake pumunta ng Siargao para ipagdiwang birthday ni Ellie

BUKAS, November 23 pa ang 10th birthday ni Ellie Eigenmann, anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito but it was earlier celebrated in Siargao kung saan naka-base and actress at vlogger na si Andi and her family, ang kanyang Siargao-based fiancé na si Philmar Alipayo at dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa. It was last September nang lumipad si Ellie patungong Siargao to be her mom. Dahil dito, lumipad patungong Siargao ang ama ni Ellie, ang “Marry Me, Marry You” actor na si Jake kasama ang dalawa niyang kapatid (sa mother side) na sina Jerika at Jacob Ejercito sabay bakasyon.

Very close sa isa’t isa ang mag-amang Jake at Ellie at hindi puwedeng palagpasin ng actor ang espesyal na araw ng kanyang unica hija.

Samantala, inasahan si Jake na kakandidato sa isang local position in San Juan City, Metro Manila pero hanggang sa natapos ang deadline ng filing ng Certificate of Candidacy ay hindi ito nag-file sa anumang posisyon.

Si Jake ay nagtapos ng pag-aaral sa London and took his master’s degree in Singapore. He is most likely to follow the footsteps of his father and his elder siblings at iba pang mga kaanak balang araw.

DiegoBarbie at Diego nailang sa love scenes

HINDI pa man naipalalabas ang unang pelikulang pinagtatambalan ng magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang “Dulo” mula sa panulat at direksiyon ng ex-PBB housemate-turned actor at director na si Fifth Solomon, may follow-up project kaagad ang dalawa sa bakuran ng Viva Films.

Although magkasintahan in real life, hindi ikinakaila nina Diego at Barbie na nagkailangan umano silang dalawa sa kanilang intimate scenes. Mabuti na lamang daw at good friends sina Barbie at si Direk Fifth kaya magaan na nae-execute ang nasabing eksena.

First project nina Diego at Barbie ang “Dulo” na malapit nang matunghayan sa Vivamax streaming app.

Samantala, magkasama ang dalawa sa special preview ng pelikulang “More Than Blue” na dinirek ni Direk Nuel Naval at tinampukan nina JC Santos at Yassi Pressman kasama sina Diego at ang dating beauty queen-turned actress na si Ariella `Ara’ Arida at iba pa. Kasama naman ng singer-actor na si JC ang kanyang misis na si Shyleena Herrera at `yon ang kanilang first public appearance bilang couple.

Hindi mahirap mahalin si Joshua, ayon kay Charlie

FIRST time magkatrabaho in a project sina Joshua Garcia at Charlie Dizon sa bagong simulang primetime TV series na “Viral Scandal” kaya nagkaroon ng ilangan sa simula. Pero sa kalaunan ay pareho na silang naging kumportable sa isa’t isa. Hanga si Charlie sa husay bilang actor ni Joshua at gayundin ang actor sa galing umarte ni Charlie.

Hindi naman ikinakaila ni Charlie na madali umanong mahalin ang isang katulad ni Joshua dahil bukod sa kanyang husay sa pag-arte, mabait umano ito, magalang at magaang katrabaho.

After his break-up with ex-girlfriend na si Julia Barretto sometime in April 2019, wala pang ibang bagong babae ang nali-link sa ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua.

Subscribe, like, share and hit the bell icon on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE