Aradave

Ara, dedma sa mga paninira kay Dave

November 21, 2021 Ian F. Fariñas 239 views

Ikinagulat ng mag-asawang Ara Mina at Dave Almarinez nang paggising nila isang araw nitong linggo ay wala na ang dalawang Facebook accounts ng huli.

Hinala nila, na-hack ang mga ito.

Wala silang maisip kung sino ang may pakana o gumawa ng pangha-hack sa dalawang accounts ni Dave, ipinasa-Diyos na lang nila ang lahat.

Kuwento ni Dave, nag-alala siya dahil baka isipin ng kanyang mga kababayan sa San Pedro na iniisnab na sila ng kanilang orig na probinsyano candidate.

Saad niya, “Naku, hindi ko po kayo binlock, lalong hindi ko rin po kayo ini-snob.

“Na-compromise lang po ang ating Facebook account na Dave Almarinez Movement.

“Pero ’wag po kayong mag-alala, kahit maraming ‘bitter ampalaya,’ hindi po mapipigil ng kanilang mga maitim na balak at gawain na harangin ang ating ligaya, pagkakaisa at samahan.

“Asahan po n’yong sa pamamagitan ng ating official Facebook page na ilulunsad, eh, tuluy-tuloy n’yo po akong makakausap at lagi po kayong updated sa aking mga ginagawa, plano at programa.”

Dagdag pa ni Dave, “Wala pong gagawin ang mga nega-trons para mapatigil ang inyong Cong. Dave Almarinez para po kayo ay aking mapaglingkuran.”

Sabi naman ni Ara, “Ipinagkibit-balikat ko na lang. Kasi wala naman kaming ibang pakay kundi ang magserbisyo sa San Pedro.”

Kaya sa mga kababayan ng mag-asawa sa San Pedro, abangan ang muling paglulunsad ng official social media accounts ni Dave.

AUTHOR PROFILE