Carmina

Relasyong Darren-Cassy, dinenay ni Carmina

September 2, 2022 Jun Nardo 852 views

PINAGDIINAN ni Carmina Villarroel na magkaibigan lang ang anak na si Cassy Legaspi at singer na si Darren Espanto.

Eh, nagsama kasi sina Cassy at Darren sa isang get-away bonding sa isang beach kamakailan kaya may relasyon na agad ang ispekulasyon ng mga nakakita sa kanilang posts sa social media.

“Maniwala kayo sa akin. Magkaibigan pa lang sila ni Darren. Huwag nating pangunahan. Hayaan na lang muna natin sila,” pahayag ni Mina sa zoomcon ng bagong afternoon series sa GMA na Abot-Kamay na Pangarap na mapapanood ngayong Lunes, September 5, 2:30 p.m., kapalit ng Apoy Sa Langit ng asawa niyang si Zoren Legaspi.

Kung may Darren na umaaligid ngayon kay Cassy, ang lalaki namang anak nina Mina at Zoren na si Mavy ay kay Kyline Alcantara naman nai-involve.

Sinorpresa si Mavy si Kyline sa isang vlog na ginawa nya nang bumulaga si Mavy sa isang tila horror house habang umu-order ng drinks, huh!

AUTHOR PROFILE