KC

KC, uuwi para sa debut ni Miel

September 2, 2022 Vinia Vivar 389 views

At this point in her life ay gusto na raw ni KC Concepcion na magkaroon ng seryosong relasyon at siyempre, ikasal din.

“I’m in my 30s, I won’t lie. I definitely take relationship more seriously now. And of course, nasa ‘kin ‘yung dream na one day, ako naman ‘yung ikakasal. Kasi kinasal ‘yung sister ko. Sweden, my gosh! Naunahan pa ‘ko!” sey ni KC sa panayam sa TV Patrol.

Ang tinutukoy niya na ikinasal ay ang half-sister niyang si Cloie Skarne, anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia.

Dumalo si KC sa naturang kasalan sa Sweden.

Nang makumusta nga ang kanyang lovelife, aniya, “Dito sa States, medyo mahirap mag-date. Minsan, akala mo serious ‘tas casual lang pala.”

Hindi masabi ng dalaga kung kailan nga ba darating si Mr. Right at natatawa na lang niyang sambit, “Guys, pag-pray n’yo ko.”

Nang matanong kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni apl.de.ap, nilinaw niyang hindi talaga naging sila.

“Hindi, very close kami. You know, I love the guy, I respect him, I admire him, I really… natatawa ‘ko like pinapatawa niya ‘ko nang sobra-sobra, mabait siya sa ‘kin.

“He’s very busy on tours as well. And whatever will be, will be. But no, hindi kami,” pahayag ni KC.

Kasalukuyang nasa US ang panganay na anak nina Sharon Cuneta at Gabby dahil sa ginagawang Hollywood film na Asian Persuasion.

Nakatakda siyang umuwi ng Pilipinas para dumalo sa debut ng kapatid niyang si Miel Pangilinan.

AUTHOR PROFILE