Jaclyn

Jaclyn, binawi ang retirement post

September 2, 2022 Jun Nardo 404 views

HADLANG ang ongoing contract ni Jaclyn Jose sa GMA Network kaya hindi pa siya puwedeng mag-retire sa showbiz.

Unang nag-post sa kanyang Instagram si Jaclyn na goodbye showbiz na siya.

Ang pagtutuunan na lang daw niya ng pansin ay ang mga anak na sina Andi at Gwen.

Eh, nang sabihin ng road manager ni Jaclyn na may two-year contract pa siya sa Kapuso Network, agad niyang binura ang kanyang naunang post.

Sinabi niya sa kasunod na post na inakala niyang wala na siyang kontrata kaya nakapaglabas siya ng retirement post.

So, mapapanood pa si Jaclyn ng fans niya sa showbiz.

AUTHOR PROFILE