Rayver

Rayver, aprubado kay Gabby

July 30, 2021 People's Tonight 277 views

Malaki ang tiwala ni Gabby Concepcion na mabibigyan ng hustisya ni Kapuso heartthrob Rayver Cruz ang kanyang role sa upcoming GMA adaptation ng ’80s blockbuster movie na Nagbabagang Luha.

Sa naturang TV adaptation na mapapanood na simula August 2 sa GMA Afternoon Prime ay bibigyang-buhay ni Rayver ang karakter na naunang gampanan ni Gabby sa pelikula bilang si Alex, ang lalaking magpapaibig sa magkapatid na sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).

Sa naganap na “Pinoy Abroad Fun Connect” ng GMA Pinoy TV ay nakatanggap ng good luck message si Rayver mula kay Gabby.

“Do your own version. I know you’re gonna do good, Rayver and everybody else,” anang aktor.

Dagdag pa niya, “Sa cast ng Nagbabagang Luha, be a version of yourself to be that role. Get out of your comfort zone and love and embrace that role. And I’m sure you’ll have a great time doing this teleserye, it’s a remake.”

Abangan ang world premiere ng Nagbabagang Luha simula August 2, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Mapapanood din ito abroad sa GMA Pinoy TV.

AUTHOR PROFILE