TVJ

TVJ, balik-studio sa anibersaryo ng ‘Eat Bulaga’

July 30, 2021 People's Tonight 577 views

KUMPLETO sina Tito, Vic at Joey kahapon sa Eat Bulaga para maki-celebrate sa 42 years sa TV ng longest-running noontime show.

Live ang presentation ng programa kaya bukod sa tatlo, may iba pang EB Dabarkads sa studio habang ’yung iba, eh, Team Zoom.

Ayon kay Joey, after 500 days saka lang siya nakatuntong muli sa APT Studios. Present din sa studio si Pauleen Luna-Sotto nang live.

“Masaya ako na nandito uli tayo sa studio,” ani Vic.

Nilibot din ni Joey ang APT Studios na kumpleto ng pagsunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face shield.

Nagpasalamat si Vic sa mga tao at manonood na walang sawang sumusuporta sa show sa panahon ng pandemya.

Happy, happy 42nd year, Eat Bulaga!

BIKTIMA NG GAYUMA

INIWAN muna ni Pancho Magno ang anak na si Skye upang magtrabaho sa fresh episode ng Magpakailanman na Biktima ng Gayuma.

Makakasama ni Pancho sa episode si Rhian Ramos na kagagaling sa Paris para sa isang pictorial ng beauty clinic.

Teka, nabiktima na kaya ng gayuma sina Pancho at Rhian?. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE