bealloydie

Lloydie, ayaw ikahon sa ‘label ang relasyon kay Bea

July 30, 2021 Vinia Vivar 431 views

Hirap na hirap sumagot si John Lloyd Cruz nang diretsong tanungin ni Karen Davila kung nag-date ba sila ni Bea Alonzo.

“Hala!” ang paulit-ulit na sambit ni Lloydie.

“I don’t know, Karen, parang mahirap yatang sagutin ‘yan,” aniya.

Sabi naman ni Karen, “It’s either a yes or a no.”

Sagot naman ni Lloydie, “I know, sa totoo lang, totoo naman ‘yung sabi mo, yes or no. But because I respect her and she’s been good to me and to my family also. Mahirap, eh. Sometimes, parang may mga tanong talaga na I wish kayang sagutin ng yes or no.”

Binago na lang ni Karen ang tanong and asked kung nagkaroon ba sila ng special friendship or relationship.

“Siyempre, si Bea siya sa buhay ko, special ‘yun. It’d be hard to change that,” ani Lloydie.

Dagdag ng aktor, “Pero kung naging kami or hindi, hindi naging kami. But ‘yung tanong mo kasi, if we dated, mahirap sagutin, eh.”

Tanong ulit ni Karen, “So, you dated?”

Sagot naman ng aktor, “Probably.”

Dagdag na paliwanag ng aktor, wala naman daw siyang ini-imply na may something sa kanila ni Bea.

“Kasi nga, dahil nirerespeto ko ‘yung tao, ayoko namang ikakahon ko na lang sa isang walang kabuluhang sagot ‘yung… para lang maitawid lang. Mahirap, eh. Pwede naman din kasi nating itawid, eh,” ani Lloydie.

Tanong ulit ni Karen, “Is she the one who got away (TOTGA)?”

“Ah, talaga? Umabot tayo diyan?” sabi naman ni Lloydie na ikinatawa ni Karen.

“If anything, natatakot akong i-label kung anuman ‘yung naging totoo between… mahirap kasing… ‘di ba? Kahit ako, para sa sarili ko, I don’t want it to be reduced into something that is not.

Sayang, eh,” paliwanag ni JLC.

Na-interview ni Karen si Lloydie para sa bagong podcast ng broadcast journalist.

Marami silang napag-usapan kabilang na nga rito ang pagtigil at pagbabalik ng aktor sa showbiz, ang pagkakaroon nila ng anak ni Ellen Adarna at kung anu-ano pa.

AUTHOR PROFILE