Rape NO MORE HIDE-AND-SEEK–Kinilala ni P/Lt. Col. Roberto Mupas ang suspek na nahuli sa kasong panggagahasa. Kuha ni Jon Jon Reyes

Rape suspek nag hide-and-seek sa Sarangani nasakote

April 11, 2024 Jonjon Reyes 138 views

TIKLO ang isang 43-anyos na driver dahil sa panggagahasa matapos matutunton ng mga operatiba ng Manila Police District- Binondo police station 11 sa Alvarado St., corner Soler St., Binondo, Maynila noong Miyerkules.

Napag-alaman na nagtago pa sa Saranggani ang suspek para hindi matiklo.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, hepe ng MPD Station 11, ang naarestong suspek na si alyas Ponce.

Ayon kay Mupas, bandang alas-8:00 ng umaga nang masabat ang suspek sa pakikipag tulungan ng mga pulis ng Malungon Police ng Sarangani Provincial Police.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

AUTHOR PROFILE