Posas

Lalaki papuntang Japan, timbog sa frustrated murder

May 28, 2024 Jonjon Reyes 54 views

ARESTADO ng mga tauhan ng Barbosa Police Station ng Manila Police District (MPD) ang lalaki dahil sa frustrated murder na paalis na sana ng bansa noong Lunes.

Katuwang ng MPD ang mga miyembro ng PNP Aviation Security Group nang arestuhin ang 32 anyos na lalaki sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa NAIA Police Station 3, AVSEU NCR, patungong Narita, Japan ang suspek ng maharang.

Nahuli ang suspek sa bisa ng arrest warrant galing kay Judge Emma C. Matammu, Presiding Judge ng National Capital Region, Regional Trial Court, Branch 269, Valenzuela City.

Nasa kustodiya na ng MPD Barbosa PS-14 ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon kaugnay sa kanyang kaso.

AUTHOR PROFILE