Suspek Source: Bgy Pinyahan, Quezon City

Suspek sa pagpatay sa LTO exec kinasuhan ng murder

May 28, 2024 Melnie Ragasa-limena 89 views

SINAMPAHAN ng kasong murder ng Quezon City Police District (QCPD) ang nahuling suspek sa pamamaslang sa opisyal ng Land Transportation Office (LTO).

Naaresto noong Mayo 25, 2024 ng mga operatiba ng QCPD-Criminal investigation and Detection Unit ang suspek na nakilala lamang sa alyas Danny sa kaniyang tirahan sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Si alyas Danny ang sinasabing nakahulog ng beltbag na naglalaman ng OR/CR ng motorsiklong ginamit sa pag-ambush kay Mercedita Gutierrez, Registration Division chief, noong Biyernes ng gabi sa panulukan ng Kamias at K-H St. Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Nitong Lunes ng gabi ay isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek.

Bumuo ang QCPD ng Special Investigation Task Group Gutierrez sa pamumuno ni PCol. Amante Daro at sa loob ng 24 oras ay nadakip sa follow up operation ang suspek.

Patuloy na nasasagawa ng malalimang imbestigasyon ang QCPD sa kabila ng pagkakaaresto ng tinuturong gunman.