Frasco

Sec. Frasco target palakasin direct flights sa pagitan ng PH, Brunei

May 29, 2024 Chona Yu 151 views

BANDAR SERI BEGAWAN, Brunei –Target ni Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Christina Frasco na palakasin pa ang direct flight mula Brunei patungo sa mga tourist destination sa Pilipinas.

Sa panayam kay Frasco, sinabi nito na sa ganitong paraan, maaakit ang mga taga-Brunei na pumasyal sa Pilipinas.

“As of the moment, we do have our local carriers Philippine airlines and Cebu Pacific that already fly and of course there is Royal Brunei as well. But our goal is that our connectivity would go directly to our tourism destinations such as Cebu and Clark,” pahayag ni Frasco.

Itataguyod aniya ng DOT ang halal tourism, ecotourism at iba pa.

Hindi maikakaila ayon kay Frasco na magaganda ang dagat sa Pilipinas tulad na lamang sa Palawan., Cebu, Boracay at Siargao.

Unti-unti na rin aniyang sumisigla ang turismo sa Pilipinas.

Ayon kay Frasco, bago ang pandemya sa COVID-19, nasa 8,000 turista mula sa Brunei ang bumisita sa Pilipinas. Sa ngayon aniya, nasa 6,000 turista mula Brunei ang bumisita sa Pilipinas.

Kumpiyansa si Frasco na malalagpasan ng DOT ang P582 bilyong international receipts at 5.35 milyong Filipino na mabibigyan ng trabaho dahil sa turismo.

Ayon kay Frasco, hindi lang ang mga turista sa Brunei ang hihikayatin na bumisita sa Pilipinas kundi maging ang mga nasa Middle East.

AUTHOR PROFILE