Default Thumbnail

1 tigok, 2 sugatan sa pag-awat sa nag-aamok

April 11, 2024 Melnie Ragasa-limena 60 views

PATAY ang isang barangay tanod at sugatan ang kanyang kasamahan at pulis nitong Miyerkules sa Quezon City ng awatin ang nag-aamok na residente.

Idineklarang dead-on-arrival sa Rosario Maclang Bautista General Hospital si Barangay Public Safety Officer Vinalita Salazar, 47, habang ginagamot sina BPSO Ronaldo Mataya, 51, at PEMS Roel Valenzona Relox, 50.

Naka-confine naman sa East Avenue Medical Center ang suspek na si Wilfredo Paredes Belgera, 41, alyas Kalbo na naninirahan sa Morning Star St., Brgy. Payatas-A, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Christian D Loyola ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong ala-1:10 sa Morning Star St., Brgy. Payatas-A, Quezon City.

Nakita ng mga tanod si Belgera sa lugar nagwawala sa lugar kaya sinubukang kausapin at pakalmahin. Papaalis na ang mga tanod ng biglang pagsasaksakin ni Belgera sina Mataya at Salazar sa likod.

Nalaman ni Relox ang insidente at agad na rumesponde. Subalit sinalubong siya ng saksak ng suspek sa tiyan at braso.

Dito na nagtulung-tulong ang mga residente para makuyog ang biktima.

Nahaharap sa kasong murder at frustrated murder sa piskalya si Belgera.