QCPD

Rape suspek swak sa selda

April 11, 2024 Melnie Ragasa-limena 111 views

SA malamig na selda bumagsak ang isang lalaki na wanted sa kasong rape matapos maaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District noong Miyerkules.

Kinilala P/Maj. Don Don Llapitan, hepe ng QCPD-CIDU, ang suspek na si Mark Anthony Baluyot, 43.

Dakong alas-7:00 ng gabi ng maaresto ang suspek sa kaniyang bahay sa San Jose Del Monte City, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape.

Hindi na nakapalag ang suspek nang isilbi sa kanya nina PCMS Ronniel Abuyog, PSMS Norman Briones, PSSg Elmer Potoy at P/Lt. Jaime Jimena ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Lyn Llamasares Gonsalez ng RTC Branch 120 ng San Jose Del Monte City, Bulacan.

Nakakulong na ang suspek sa custodial facility ng QCPD-CIDU habang hinihintay ang commitment order ng hukuman laban sa kanya.