Luka Si Luka Vega habang nagbibigay ng salaysay sa mga mamamahayag matapos muling maaresto ng mga kapulisan ng MPD Station 3. Kuha ni JONJON C. REYES

Puro Luka Vega tiklo ulit; MWP na rin

February 29, 2024 Jonjon Reyes 78 views

Luka1MULING inaresto ng mga operatiba ng MPD at napabilang na sa Top Ten Most Wanted Person Number 1 (District Level) ang akusado na si Amadeus Magallanes Pagente alias Pura Luka Vega “ sa kahabaan ng Rizal Avenue,Cor.San Lazaro Sta Cruz Manila, nitong Pebrero 28, 2024.

Ayon sa report, bandang 4:30 p.m. nang damputin si Luka sa muling kaso nito na immoral doctrines, obscene publications and exhibitions at indecent shows.

Sa ibinigay pang detalye ng mga operatiba ng PS-3 Intel at Warrant Section sa pangunguna ni PMAJ Billy Ray S. Canagan at sa pangangasiwa ni PLt. Col. Leandro S. Gutierrez, nagsagawa ng manhunt operation at nagsilbi ng warrant of arrest laban sa akusado.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Dolly Rose Ranoco Bolante- Prado, ng RTC Branch 306 Quezon City at nagrekomenda ng piyansang P360,000.

Si Luka ay naaresto noong Octubre 2023 dahil sa mga nabngit niyang mga kaso.

AUTHOR PROFILE