Patrolman Sumuko si Patrolman Albert Ken Sanchez (kanan) kay P/Lt.Col.Gilbert Papa (gitna), provincial officer ng Agusan Del Sur. Kuha ni JON-JON REYES

Pulis na may sex, child abuse cases sumuko

June 16, 2022 Jonjon Reyes 663 views

SUMUKO ang isang 33-anyos na bagitong pulis na inakusahang nanggahasa ng tatlong beses sa isang 17-anyos na dalagita, Martes ng umaga sa opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG ) RFU -13 .

Nakilala ang suspek na si Patrolman Albert Ken Sanchez, may asawa , nakatalaga sa Trento MPS, PNP at residente ng Purok 6 , Bunawan Brooke, Agusan Del Sur.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Monico Cadayona, hepe ng Regional Field Unit 13 , Caraga Surigao Del Sur, pasado 9:07 a.m. nang kusang sumuko si Sanchez sa kanilang tanggapan.

Dahil sa patuloy na pagsasagawa ng Oplan Pagtugis inaresto nila si Sanchez sa pamamagitan ng arrest warrant na inisyu ni Executive Judge Den Ryan R. Cagas , ng Regional Trial Court Branch 55 sa Treston, Agusan, Del Sur.

Ang kasong inihain ng korte laban sa suspek ay paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse , Exploitation and Discrmination Act ( Anti – Child Abuse law) Article lll , section 5 ng Republic Act 7610 na inamiyendahan sa sa R.A 7658.at R.A 9231 ( other Sexual Abuse ) at Rape.

Nasa P200,000 ang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado sa kasong child abuse. Walang inilaang pyansa para sa three counts of rape na kanyang kinakaharap subalit ang kasong kinahaharap na 3 counts of rape ay walang inilaang piyansa ang korte.

Nasa kustodiya ng CIDG – Caraga si Sanchez.

“Wala kaming sasantuhin o sisinuhin sa aming tanggapan. Kapag ikaw ay nagkasala sa batas, pulis ka man o tagapag patupad ng batas, maging sibilyan, aming huhulihin at papanagutin sa ginawang kasalanan o krimen,” babala ni Police Lt.Col. Monico Cadayona, hepe ng CIDG-Caraga.

AUTHOR PROFILE