Default Thumbnail

Pulis inakusahan ng rape ng 18-anyos, kulong

December 27, 2021 Gil Aman 381 views

NAKULONG ang isang miyembro ng Laguna Police matapos akusahan ng rape ng 18-anyos na dalagang college student na nakatulog sa kuwarto ng biktima Linggo ng madaling araw sa Bgy. Poblacion Dos, Sta Maria, Laguna.

Sa ulat ng Sta Maria Police kay Laguna Provincial Director P/Col. Rogarth Campo , kinilala ang suspek na si Pat. John Mari Lontok, 25, ng Poblacion Tres Sta Maria, Laguna.

Ayon kay Campo, si Lontok ay kasalukuyang naka-assign sa Sta Maria Police Station.

Base sa pahayag ng biktima sa pulisya, naganap ang umano’y panghahalay habang lango umano sa alak ang dalaga dakong 2:56 a.m.

Ayon sa biktima, habang nasa kasayahan siya ng inuman ay nakaramdam siya ng pagkahilo.

Dahil dito, pumasok na sa kuwarto ang biktima kung saan sinamantala umano siya ng suspek.

Magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa akusasyon ng biktima.

AUTHOR PROFILE