Tilapia Source: DA

Presyo ng sibuyas, tilapia, atbp. bumaba

March 4, 2024 Cory Martinez 99 views

Dahil sa agarang tulong ng DA

DAHIL sa agarang pagbibigay ng tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka upang mabenta ang kanilang mga produkto, nagsimula nang bumaba ang presyo ng sibuyas, tilapia at iba pang mga produktong agrikultura noong nakaraang buwan.

Ayon kay DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa, patuloy ang kanilang pagbibigay ng interventions at nagbibigay ng marketing strategies para matulungan ang mga magsasaka at mabigyan ang mga kababayan natin ng may kalidad at mas murang bilihin.

Dagdag pa ni de Mesa na patuloy din na nagmamatyag ang DA ang paggalaw ng mga presyo sa palengke sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS).

Sinabi pa nito na nakakatulong din ang Kadiwa ng Pangulo (KNP), na pinamamahalaan ng DA-AMAS katuwang ang Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government, at ibang ahensya ng gobyerno dahil makakabili dito ng mga murang pagkain. Nakakatulong din ito sa mga magsasaka at mangingisda na direktang ibenta ang kanilang mga produkto na walang alalahanin na bayarin sa middle men.

Ang KNP, ani de Mesa, ay naaayon sa Bagong Pilipinas campaign ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nakatuon sa all-inclusive plan para sa ekonomiya at social transformation.

Samantala, sinabi na ni de Mesa na batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang presyo ng pulang sibuyas ay bumaba sa halagang P25.26 kada kilo mula Enero hanggang Pebrero.

Ang presyo naman ng tilapia ay bumaba rin noong Pebrero mula sa P169.02 hanggang sa P167.62 kada kilo.

Samantalang ang presyo ng brown sugar ay bumaba sa halagang P1.58 kada kilo sa parehong mga buwan.

Ang gulay naman katulad ng talong ay bumaba ang presyo mula P91.51 kada kilo hanggang P86.18 kada kilo mula Enero hanggang Pebrero.

AUTHOR PROFILE