posas

Suspek sa droga laglag sa Bulacan

March 4, 2024 Jonjon Reyes 88 views

INARESTO ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang 20-anyos na lalaki matapos matunton sa pinagtaguang lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Linggo dahil sa iligal na droga.

Isinilbi ang warrant of arrest kay alyas James dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bandang alas-11:30 ng umaga ng namataan ang binata sa San Jose Del Monte makaraang ituga ng isang asset sa Baseco compound, Tondo, Manila.

AUTHOR PROFILE