BFP Ang pinangyarihan ng sunog.

16-anyos, sanggol nalitson ng buhay!

March 4, 2024 Zaida I. Delos Reyes 59 views

PATAY ang isang menor de edad na ina at anim na araw pa lamang niyang sanggol matapos na masunog ang kanilang tahanan sa Barangay Sicayab, Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Sunog na sunog na nang matagpuan ang katawan ng 16-anyos na biktima na si alias “Lyza” at ang sanggol na anak nito.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP, naganap ang insidente dakong 1:30 ng madaling araw sa Bgy. Siyacab.

Napagalaman na umalis ng bahay at nangingisda ang 20-anyos na live-in partner ng biktima nang maganap ang insidente. Nagulat na lamang aniya siya nang pagbalik niya sa bahay ay wala na ang kanyang mag-ina at sunog na ang kanilang bahay.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na kumitil sa buhay ng mag-ina.