Default Thumbnail

Preso muling inaresto

June 16, 2022 Jonjon Reyes 249 views

NANLUMO ang isang 24-anyos na binata dahil hindi pa natatapos ang kaso nito sa korte nang magtungo ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang iserve ang warrant of arrest sa mismong kulungan nito sa Antipolo City Police station Miyerkules ng hapon sa Sitio Pulong Banal, Bgy. San Jose, Antipolo City.

Nakilala ang suspek na si Isagani Dela Cruz aka “Gani”, jobless, ng 1504 Tindalo St., Tondo, Manila.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col. Robert Domingo, MPD- Jose Abad Santos Police Station 7 commander, bandang 5:45 p.m. nang isilbi ang arrest warrant kay Dela Cruz sa naturang piitan.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma.Ludmila De Pio Lim, ng Metropolitan Trial Court Branch 34 ng Quezon City na may petsang April 29, 2022.

Pinangunahan ni P/ CMS Arnold Santos ng Warrant Section ang pag-arrsto alinsunod sa utos ni Lt.Domingo at sa direktiba ni MPD- Director , P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco.

Si Dela Cruz ay nahaharap sa kasong theft.

AUTHOR PROFILE