Pops

Pops lolang-lola sa pagpapalit ng diaper ni Baby Finn

March 18, 2024 Jun Nardo 107 views

“LOLLY POPS” ang tawag ngayon kay Pops Fernandez dahil isa na siyang lola kay Baby Finn ng anak niyang si Robin Nievera.

Lolang-lola si Pops sa video na inilabas niya sa kanyang Instagram habang nagpapalit ng diaper, huh! Ang saya-saya ng awra niya sa video na ‘yon.

Si Martin ang nagbalita sa contract signing niya sa Vicor Music na lolo at lola na nga silang dalawa ni Pops.

MABABANG ENERGY ANG ‘SALARIN’

SUPER-HYPER si Rayver Cruz sa isang live stream na lumabas kung saan kasama niya ang girlfriend na si Julie Ann San Jose.

Kaya naman na-misinterpret ito ng netizens at binanatan si Rayver.

Rehearsals pala ‘yon para sa All-Out Sundays summer-versary.

Eh, mababa raw ang energy ni Julie Anne kaya naman pinatataas sana ito ni Rayver.

Inakala ng netizens na sinasaktan ni Rayver si Julie pero itinanggi niya ang akusasyong ito.

“Hindi ko magagawang saktan si Julie. I was raised well by my mama. Hindi ko kayang gawin ‘yon sa taong mahal ko,” pahayag ng aktor sa interview sa kanya sa BaliTanghali.

Kawawang Rayver!

AUTHOR PROFILE