Charo

Charo kinilig sa JoshLia reunion

March 18, 2024 Vinia Vivar 129 views

Viral ngayon ang video kung saan ay makikitang kilig na kilig ang former ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio sa dating magka-loveteam na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Naganap ang pagkikita-kita ng tatlo sa birthday tribute ng starmaker na si Johnny Manahan o Mr. M.

The event was called Night of 100 Stars: A Tribute to Mr. M at ginanap ito last Saturday, March 16.

Sa viral video ay makikitang masayang nagtsitsikahan sina Julia at Charo nang biglang lumapit si Joshua at mag-hi sa kanila.

Makikita sa reaksyon ni Julia na tuwang-tuwa siya na makita ang dating boyfriend at ka-loveteam.

Nagyakapan sina Julia at Joshua habang tuwang-tuwa si Charo na makita sila.

“My favorite loveteam,” sey pa ni Charo at nagyayang magpa-picture silang tatlo.

Sey ng ABS-CBN executive, “kinikilig ako sa kanila!!”

Anyway, aside from JoshLia ay reunited din nang gabing iyon si Julia sa tiyahin na si Claudine Barretto.

Viral din ang video kung saan ay makikita namang nagtsitsikahan silang dalawa.

Sa nasabing event din nagkita at nagkabesohan sina Julia at Bea Alonzo na nagkaroon ng away dati dahil kay Gerald Anderson.

AUTHOR PROFILE