Showtime

PAG-ERE NG ‘IT’S SHOWTIME’ SA GMA PLANTSADO NA

March 18, 2024 Vinia Vivar 135 views

Ito na ang final answer! Ang It’s Showtime na umano ang papalit sa naiwang time slot ng noontime show sa GMA-7 na Tahanang Pinakamasaya.

Ito ang latest tsika ni Ogie Diaz. In fact, nakatakda na umano itong magkaroon ng mediacon this week.

“Ang Showtime na ang hahalili sa Tahanang Pinakamasaya. Oo! Jusko, ayan! And according to our source from GMA-7 camp, ‘antayin na lamang daw natin this week ang gaganaping mediacon ng mga bossing ng GMA at ABS-CBN kasama ang hosts ng It’s Showtime para pormal na i-announce ang pagtuntong ng It’s Showtime bilang bagong noontime show ng GMA-7 kapalit ng Tahanang Pinakamasaya,” ang pagbabalita ni Mama Ogs.

Ang tanong ngayon ay kung ang ABS-CBN pa rin ang producer ng It’s Showtime tulad ng TAPE, Inc. sa Tahanang Pinakamasaya.

“Kung block timer ba ang ABS-CBN or revenue sharing ang mangyayari, naku, ayoko nang umepal, ha? Kaya hayaan na nating sila mismo ang mag-announce,” sey ni Ogie.

Patuloy pa niya, “Sabi pa ng aking source, plantsado na ang lahat kaya let’s just wait and see kung tama ang aking source, ha!”

Napapabalita rin na nasa TV5 na rin si Willie Revillame dahil may lumabas na mga larawan na nagkaroon siya ng contract signing sa nasabing network.

Abangan na lang ang kaganapan kung saang time slot ilalagay ang bagong show ni Willie dahil may noontime show na ang TV5, which is Eat Bulaga.

AUTHOR PROFILE