Andrea

ABSENCE NI ANDREA SA PROM NILINAW

March 18, 2024 Vinia Vivar 81 views

Isa sa mga inabangan ng fans sa katatapos na Star Magical Prom 2024 ay ang pagdalo at pagrampa ni Andrea Brillantes sa ivory carpet.

Pero natapos at natapos ang programa ay walang Andrea na nakita ang nanonood ng live streaming ng event.

Isa rin kasi sa inaabangan kay Blythe ay kung sino ang ka-date niya this year dahil noong nakaraang taon, ang kasama niya ay ang ex-BF na si Ricci Rivero.

Well, ayon kay Ogie Diaz, naka-birthday leave si Andrea at pupunta sana ng US para magbakasyon.

“Parang naka-birthday leave si Andrea. Kasi nag-birthday ‘yun ng March 12. Supposedly si Andrea raw, ayon sa aking source, ‘no, ay patungong US para magbakasyon. Eh, hindi siya natuloy.

Gustuhin man daw nu’ng bata na um-attend, hindi ito nakapag-prepare ng isusuot,” paliwanag ni Ogie.

Pero in fairness, dahil marami ang naghanap kay Andrea, ibig sabihin, relevant pa rin ang aktres.

“Alam mo ‘pag hinahanap at maraming nagtatanong ibig sabihin, wanted ka. Ibig sabihin, relevant ka. O ‘yun lang naman ang dapat nating tumbukin. Kasi kapag hindi ka hinanap doon, ibig sabihin irrelevant ka. Na ke um-attend ka o hindi, eh, wala rin namang bearing. Parang ganu’n,” ani Ogie.

Napag-usapan din na wala rin sa prom ang nali-link kay Andrea ngayon na si Kyle Echarri.

Kung bakit, ‘yan ang hindi pa natin alam.

AUTHOR PROFILE