Juliever

Rayver at Julie Anne sabay na nagpaliwanag sa controversial live stream issue

March 18, 2024 Vinia Vivar 114 views

MAGKASAMANG humarap sa isang interview ang magdyowang Rayver Cruz at Julie Anne San Jose para magpaliwanag pa more tungkol sa insidenteng nangyari sa kanilang live stream last Saturday.

Na-bash kasi nang todo ang aktor sa naturang live stream dahil sa sobrang pagka-hyper niya at naakusahan pang parang “sabog” ng isang netizen.

Matatandaan na nag-apologize na si Rayver sa X (dating Twitter) nang araw ding iyon at ipinaliwanag na happy lang talaga siya.

Sa panayam ng GMA-7 ay inamin ni Rayver na talagang hyper-active siya during the live stream.

“Lahat naman ng nakakakilala sa ‘kin, ganu’n talaga ‘ko. Pero aaminin ko and gusto ko na ring humingi ng pasensiya sa mga medyo nainis kasi extra-hyper talaga ako that day,” sey ng aktor sa 24 Oras.

Pagtatanggol ni Julie Anne sa boyfriend, pinapataas lang ni Rayver ang kanyang mood dahil sobrang stressed out siya nang araw na ‘yun.

Sumalang sila sa live stream matapos ang rehearsal nila para sa production number sa All-Out Sundays.

“Ang dami kong iniisip, tapos ano pa, hindi pa maganda ‘yung pakiramdam ko, tapos na-stress talaga ‘ko. Pero kung ano si Ray as a person, siya po talaga ‘yun.

“Para malinaw lang po sa lahat na wala pong ganu’ng klaseng… wala pong ganu’n,” paliwanag pa ni Julie Anne.

AUTHOR PROFILE