Phivolcs

Polillo inuga ng lindol sa gitna ng bagyo

October 29, 2022 Jun I. Legaspi 373 views

HABANG binabayo ng malakas na bagyong “Paeng” ang lalawigan ng Polilio, Quezon, inuga naman ito ng 3.4 magnitude na lindol, Sabado, Oktubre 29, 2020, ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring ng ahensiya, ang sentro ng lindol ay naitala sa may 001 kilometro ng timog silangan ng Polillo (Quezon) alas 5:56 ng umaga.

Umaabot naman sa 003 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol at tectonic ang ugat ng lindol.

Bunsod nito, nakapagtala ang Phivolcs ng Instrumental Intensities na Intensity 4 sa Polillo, Quezon, Intensity 2 sa Infanta at Alabat, Quezon at Intensity I sa Mauban, Quezon.

Wala namang naiulat na damage ang Phivolcs kaugnay ng naganap na lindol at wala ding inaasahang aftershocks kaugnay ng naganap na lindol.

Mariing pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga residente ng nasabing bayan at laging umantabay sa mga paalaala ng mga awtoridad sa nasabing lalawigan.

AUTHOR PROFILE