Kidlat Source: FB

2 tigok sa killer kidlat sa Cagayan

April 26, 2024 Zaida I. Delos Reyes 88 views

DALAWANG tao ang nasawi habang isa ang isinugod sa pagamutan matapos tamaan ng kidlat nitong Huwebes ng hapon sa Gattaran, Cagayan.

Nakilala ang mga biktima na sina Dante Serugo , 77,at Rey Fabia , 65, pawang mga residente ng Barangay Naddungan, Gettaran, Cagayan.

Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), naganap ang aksidente sa Barnagay Naddungan.

Pauwi ang mga biktima galing sa bundok nang biglang bumuhos ang ulan na may kasamang kulog at kidlat. Agad sumilong ang mga biktima sa ilalim ng isang puno subalit timaan ang mga ito ng kidlat. Tumilapon naman ang isang biktima na dahilan ng pagtamo ng sugat sa katawan na ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan. Batay sa impormasyon mula sa PAGASA, nakaranas nitong Huwebes ng moderate to occasionally heavy rain showers ang ilang lugar sa probinsya na may kasamang kidlat at malakas na hangin na dulot ng thunderstorms.