Mayordomo Source: Amaialiah Mayordomo- FB

65 katutubo nalason sa handang kakanin sa kasalan

April 26, 2024 Zaida I. Delos Reyes 87 views

AABOT sa 65 katutubo ang isinugod sa pagamutan matapos na malason uman sa kinaing kakanin na handa sa isang kasalan nitong Huwebes sa South Upi, Maguindanao del Sur.

Batay sa inisyal na ulat ng South Upi Maguindanao del Sur- Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office o MDRRMO, ang mga biktima ay nakakain ng kakanin na gawa sa gata ng niyog at native na manok na tinatawag na “beniton” sa kanilang lugar.

Matapos makain ang naturang kakanin ay agad na dumanas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdumi ang mga biktima dahilan upang isugod ang mga ito sa iba’t ibang pagamutan.

Sa tala ng MDRRMO, karamihan sa mga biktima ay mula sa Barangay Kigan at Pandan sa naturang probinsya. Ilan sa mga biktima ay nanatili parin sa pagamutan.

Agad namang nagpaabot ng tulong si South Upi Maguindanao del Sur Mayor Reynalbert Insular sa mga biktima.