
PNR walang biyahe sa Kuwaresma
HINDI bibiyahe ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Abril 6 hanggang 9.
Ayon sa inilabas na anunsyo ng PNR, sa Abril 5, Miyerkoles Santo, ay mayroon ding pagbabago sa iskedyul ng mga biyahe.
Ang huling biyahe sa Tutuban-Calamba ay alas-7:26 ng gabi. Ang biyaheng Tutuban-San Pedro ay 7:46 naman ng gabi.
Ang Calamba-San Pablo ay 6:30 ng gabi, at ang Sipocot-Naga ay 4:50 ng hapon.
Ang huling biyahe naman ng Alabang-Tutuban ay 8:02 ng gabi, at ang Bicutan-Gov. Pascual ay 7:20 ng gabi. Aalis naman ang tren na biyaheng Gov. Pascual- Tutuban ng 8:42 ng gabi, ang Lucena-San Pablo ay 5:50 ng hapon at ang Naga-Sipucot ay 3:30 ng hapon.
Magbabalik naman ang normal na operasyon ng PNR sa Abril 10.