Galvante Makikita si Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante habang nagpapaliwanag tungkol sa isyu ng PMVIC sa mga miyembro ng Liga ng mga Broadcaster sa Pilipinas. Kuha ni JUN I. LEGASPI

PMVIC program dinipensa

September 2, 2021 Jun I. Legaspi 871 views

EARLY 90’s pa ang Private Motorists Vehicle Inspection Center (PMVIC) program at ssa buong mundo tangin ang bansa natin na lamang ang hindi nagpapatupad nito.

Ito ang paglilinaw ni Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante sa Broadcaster’s Forum na ginanap online.

Dagdag pa ni Galvante na halos 30 dekada na ang nasabing programa ng gobyerno at ang kasulukuyang administration lang ang nagkaroon ng political will para ipatupad ito sa tulong ng mga private investors.

“Dapat ay suportahan ito ng lahat ng dahil magandang program eto, ang safety at roadworthiness ang primary objective ng (PMVIC). Malaking tulong ito sa safety ngayon at sa hinaharap,” ani Galvante.

Sa hiwalay na statement, sinabi ni Inigo Larazzabal, presidente ng Vehicle Inspection Center Operators’ Association of the Philippines (VICOAP) na sa pakikipagtulungan ng kanilang association sa LTO sa pangunguna ni Galvante, malaki na ang adjustment sa prices ang ginawa ng grupo.

Ang mga presyo na ipinatutupad ng association ay P600 sa private vehicle, P500 sa motorsiklo at P300 sa traditional jeepney.

Nilinaw din ni Larazzabal na wala silang sinisingil na re-inspection fee. “Paninira lang po yun sa aming grupo,” dagdag niya.

Ayon kay Larazzabal, milyong piso annually ang nalulugi sa kanilang association dahil sa mga maling balita o fake news tungkol sa kanilang operation.

Ngayon anya dahil sa mga maling haka-haka may mga members silang nagiisip mag back out dahil sa mga maling akusasyon sa kanilang operation.

Pero nilinaw ni Larazzabal na patuloy ang kanilang investment para madagdagan pa ang mga branches ng PMVIC sa buong bansa.

Sa ngayon ay 56 branches sa buong bansa ang nag-ooperate, 11 dito ay sa Metro Manila. Umaasa si Lardizzabal sa mga darating na buwan ay madaragdagan pa ito ayon na rin sa kanilang arraignment sa Department of Transportation at LTO.

AUTHOR PROFILE