inton

Sector ng school services humihinga ng ayuda — LCSP

September 10, 2021 Jun I. Legaspi 162 views

AYUDA ang kailangan ng aming sector!

ITO ang mariing isinisigaw ng mga school service drivers, operators at mga pamilya nito, ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).

Ayon kay Inton ang school services sa sector ng transportation ang isa sa matinding naapektuhan ng pandemya. Ito ay dahil wala pang naging alternative na pinagkakitaan ang mga empleyado nito maging ang mga operators mula ng suspindihin ang lahat ng mga paaralan dahil walang face-to-face classes.

Kailangan din ng mga school services employees ang ayuda, gaya ng mga helpers, saad ni Inton.

Mungkahi ng LCSP na matulungan ang mga operators sa pagbabayad ng monthly installment ng kanilang mga unit para huwag maremata ng mga bangko at mga financial institutions.

Hiniling din ng grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mapalawig din ang panahon para sa pag-renew ng kanilang mga franchise kung mag e-expire na ito.

“Tamihik lang ang sector na ito kaya kailangan maparating din sa kinauukulan ang kanilang mga pangangailangan. Alam naman natin na malaking tulong ang mga school services sa pangangalaga sa mga studyante sa pagsundo sa bahay at paghatid sa paaralan, at pabalik. Malaking tulong din sila sa patitipid ng mga magulang sa gastos at pamasahe o gasoline dahil sila na at hindi nagagamit ng sariling sasakayan. Malaking kabawasan din sa traffic dahil imbes maghatid ng isa o dalawang bata lang ay school service na lang,” ani Inton.

AUTHOR PROFILE