Default Thumbnail

Pagsunod ng mga motorista sa pedestrian law hiniling

August 31, 2021 Jun I. Legaspi 420 views

HINIKAYAT ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) ang Department of Transportation (DOTr) at mga local government units (LGU) na paigtingin pa ang kampanya sa mga motorists na patuloy na binabalewala ang mga pedestrians sa kalsada.

Ayon sa grupo, patuloy ang reklamong kanilang natatanggap at maging sa kanilang monitoring at pag-aaral, na maraming mga motorists lalo na sa hanay ng public transportation ang bina-balewala ang mga pedestrians na nagiging sanhi ng mga vehicular accidents kung saan ang mga bikitma ay mga inosenteng civilians.

Partikular ding tinukoy ng grupo ang mga drivers ng traditional jeepneys, vans, taxi, Uv Express, trucks at maging mga private motorists.

Ayon sa grupo, hindi nila batid kung may sapat na kaalaman ang mga drivers, International standard rule na kailangang pagbigyan o patapusing makatawid ang mga pedestrians.

Hiling ng grupo sa (DOTr-LGUs), higit pang pag-ibayuhin ang kampanya at kung posible ay taasan ang multa higit sa lahat ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa pagsunod sa mga pedestrians laws sa buong bansa.

Bukod sa pagbabalewala sa pedestrian law, ang mga motorists pa anya ang nagagalit sa mga tumtawid katwiran bakit daw hindi tinitignan ng mga tumatawid ang kanilang nilalakaran.

Nanawagan din ang grupo sa lahat ng transport leaders na tutukan ang kanilang mga members at sabihan na sumunod sa pedestrians law.

Umaasa ang grupo na bibigyang pansin ng DOTr at mga LGUs ang kanilang panawagan upang maiwasan ang mga aksidente.

AUTHOR PROFILE