Piolo

Piolo, naiinggit sa colleagues na may sari-sarili nang pamilya

September 23, 2022 Vinia Vivar 373 views

Inamin ni Piolo Pascual na may inggit din naman sa kanya kapag nakikita niya ang mga kaibigan at colleagues na naka-settle down na at may sari-sarili nang pamilya.

“Siyempre naman, tao lang tayo,” sey ni Papa P nang makatsikahan namin siya sa official launch niya bilang Beautederm ambassador last Thursday.

“Pero anong magagawa natin? Mas mahal ko ‘yung mga halaman. Hindi, joke lang,” dagdag niya sabay-tawa.

Nahihilig kasi ngayon sa paghahalaman ang aktor mula nang magkaroon ng pandemic at manirahan sa kanyang resthouse sa probinsya.

Ibinahagi nga niya sa press ang kanyang naging journey bilang plantito (tawag sa mga taong plant lovers).

“Nagsimula ako sa walang alam. Tapos binagyo ‘yung bahay namin, so lahat nu’ng tinanim ko na ibiniyahe ko sa Bulacan, Batangas, Laguna, Calamba, na-wipe out. We were hit by a typhoon last year at 150-200 kph.

“So, lahat nu’ng tinanim ko, natanggal. So, ‘yun ‘yung tuition fee ko,” kwento niya.

Since then ay natuto raw siya at naging maingat na dahil malaki rin ang nagagastos niya sa mga halaman.

Asked kung naisip na ba niyang gawin itong negosyo, aniya ay ipinamimigay niya ang mga ito at hindi niya ibinebenta.

“I give it away. Sabi ko nga, siguro, feeling ko, ‘yun ang ending ko, magtatayo na ako ng garden sa rami ng halaman ko,” sey niya.

Samantala, si Papa P ang endorser ng pinakabagong set ng oral care essentials ng Beauederm na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

“Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health. Ang mga ito ay all-natural products na di lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa mga germs at viruses.

“Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei (Anicoche-Tan, president and CEO of Beutederm) para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love,” pahayag ng aktor.

BET I-GUEST SINA MANNY AT JINKEE

Isa si Gladys Reyes sa mga pioneer ng Net25. Imagine, 16 years na pala ang talk show niya sa network na Moments at talaga namang thankful siya sa suporta at pagtitiwala sa kanya ng mga bossing ng istasyon.

Forever nga raw siyang magiging grateful sa Net25 na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para maipakita na pwede rin siyang maging TV host.

“Very first na nagbigay po sa akin na pagkakataon para maipakita ‘yung totoong ako, na ang daldal ko pala, na pwede naman din akong mag-host, hindi naman ‘yung laging nananampal lang, nananabunot, nananakit,” natatawa niyang sabi sa grand mediacon ng Net25.

Sa loob ng 16 years ay marami na rin siyang nai-guest na celebrities at nagpapasalamat nga siya na kahit nakakontrata sa ibang network ang iba ay talagang pinapaunlakan siya.

“Si Dingdong Dantes, nag-guest na sa akin, si Ate Regs (Regine Velasquez), nakakatuwa nga po, eh. Ako ‘yung magte-text sa kanila, lakasan lang ng loob ‘yan, eh,” sey niya sabay-tawa.

“So, nakakatuwa naman po kasi napakadali nilang kausap at ang sarap po na ‘yun nga, mapagbibigyan ka.”

In the future, marami pa raw siyang gustong i-guest sa show at isa na rito ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Sa bagong season ay siniguro ng Moments na may bago silang inihahandang sorpresa. Abangan ang “Chikat” or Chikahan with Sikat, “Moment’s Ko ‘To” kung saan ay itsa-challenge ng guest si Gladys at ang “Kusina Moments” na magbibigay ng kitchen hacks.

Napapanood ang Moments tuwing Linggo, 4 p.m., sa Net25.

AUTHOR PROFILE