Angelica bahagi lang ng mukha ng baby ang ipinakita

September 24, 2022 Aster Amoyo 448 views

Angelica

NAKAPAGSILANG na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ng kanyang first baby courtesy of her non-showbiz partner, ang Subic-based Australian businessman na si Gregg Homan.

Isinilang ni Angelica ang kanyang baby girl last September 20 (Tuesday) na pinangalanang Amila Sabine at malamang na Bean ang maging palayaw ng baby dahil ito ang tawag sa kanya ng aktres throughout her pregnancy.

“Bean waiting for you all my life,” post ni Angelica sa kanyang IG.

Part lamang ng mukha ni Baby Amila Sabine ang ibinahagi ni Angelica sa kanyang Instagram account.

Tiyak na magiging makabuluhan ang nalalapit na kaarawan ni Angelica on November 4 dahil meron na siyang baby.

Mag-iiba na rin ang celebration nila ng kanyang partner na si Gregg ng Christmas dahil sa pagdating ni Baby Amila Sabine.

Bong

Rep. Lani kapuri-puri sa pagiging matatag nila ni Sen. Bong

KAARAWAN ngayong araw ng Linggo, September 25 ng senador, actor-producer na si Bong Revilla. He turns 56 today. Pero bago ang kanyang birthday ay nakasalo ni Sen. Bong ang mga taga-entertainment media over lunch at SuperSam Restaurant in Quezon City kung saan naroon din ang kanyang wife of 36 years na si Rep. Lani Mercado at mga anak na sina Jolo (Cavite 2 nd district representative) at Ram (Cavite Board Member). Ito’y bilang pasasalamat na rin sa mga kaibigan nila sa entertainment media na hindi bumitaw sa kanila even at their darkest moments.

Dahil na rin sa walang sawang pasasalamat ng pamilya Revilla (Bautista) at ni Sen. Bong in particular sa kanilang supporters, kakaibang birthday bash ang kanyang alay sa mga ito.

Simula ngayong alas-6 ng gabi (September 26) ng Linggo ay meron inihandang pa-birthday sa kanyang mga fans ang actor-politician, ang “Alyas Pogi Birthday Giveaway” bilang bahagi pa rin ng kanyang 56th birthday celebration sa pamamagitan ng paghu-host nang live sa kanyang Facebook which will be streamed live on www.facebook.com/bongrevillajr.ph.

Makakasama ni Sen. Bong sa kanyang Facebook Live si Congresswoman Lani at ilang family members. Ito’y kanilang pasasalamat sa mga blessings na tinatanggap ng kanilang pamilya.

Sa pakikipagtulungan ng kanilang mga kaibigan, sponsors at ilang businessmen, dalawang brand new cars ang ipamimigay, 10 motorcycles, laptops, cash prizes (from P10,000 to P100,000) at 500 sa mga avid watchers ang mananalo ng tig-P1,000 each.

Naging tradisyon na ito ni Sen. Bong at ng kanyang pamilya sa tuwing sumasapit ang kaarawan ng actor-politician.

“Ito bale ang advance Christmas gift ko kanila,” masayang pahayag ni Sen. Bong.

Samantala, sa kabila ng mga pinagdaanang unos at mga pagsubok sa mag-asawang Sen. Bong at Rep. Lani, nananatiling matatag ang pagsasama nila na umabot na ng 36 taon.

“Lalong pinatatag ang aming pagsasama ng mga pagsubok na aming pinagdaanan,” pag-amin ni Sen. Bong.

Puring-puri naman ng marami si Rep. Lani dahil sa pananatili nitong strong sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Rhea Tan ng Beautederm ipinagmamalaki si Piolo

NAG-IISA marahil ang Beautederm sa pagkakaroon ng pinakamaraming kilalang brand ambassadors (over 70) ng kanilang iba’t ibang produkto kaya naman nangunguna sa market ang mga produkto ng kumpanya na pinamumunuan ng president-CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

Thirteen years in the market and continues to soar even globally, hindi tumitigil ang kumpanya ni Rhea na mag-develop at maglabas ng mga mabibisang produkto na de kalidad.

Hindi rin humihinto ang Beautederm sa pag-sign-up ng mga kilalang brand ambassadors na naniniwala sa kanilang mga produkto.

Nnung nakaraang Huwebes, September 22, muling ni-renew ang kontrata ng Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual dahil sa pagiging effective nito na bahagi ng A-list endorsers ng kumpanya.

Bukod sa Beaux soap, si Piolo ay endorser na rin ng Koreisu Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste na parehong made in Japan.

Ayon na rin mismo kay Piolo, he only endorses products na kanyang ginagamit at pinapaniwalaan.

“I am so proud that Piolo is one of our A-list brand ambassadors ng Beautederm,” pagmamalaki pa ni Rhei.

BelleBelle1

Donny proud sa panalo ni Belle sa Asian Star Awards

PROUD si Donny Pangilinan sa kanyang ka-loveteam at screen partner na si Belle Mariano nang ito ang manalo ng Asian Star Award at the Seoul International Drama Awards in South Korea kamakailan lamang, besting 175 other nominees for the same category na kinabilangan din mismo ni Donny at ilang Kapamilya stars tulad nina Zanjoe Marudo, Dimples Romana, Charlie Dizon, Jake Cuenca at Maris Racal.

Clad in a Pablo Libiran gown, pinasalamatan ni Belle si Donny sa kanyang acceptance speech during the awards night.

Agad naman nagpaabot ng kanyang pagbati si Donny sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“This is your day. So proud of you@belle_mariano. More to come.”

Si Belle ay sinamahan sa nasabing awards night in South Korea ng dalawang executives ng ABS-CBN na sina Direk Ruel S. Bayani at Mico del Rosario at sama-sama silang dumaan sa red carpet ng Seoul International Drama Awards.

Samantala, patuloy na nagbubunyi ang fans ng DonBelle dahil sa dalawang hit season ng “He’s Into Her” and their 2021 hit romantic-comedy movie na “Love is Color Blind”.

Ang second season ng “He’s Into Her” ay nagtapos last August 27 habang may bagong movie na aabangan ang kanilang supporters, ang “An Incovenient Love” na nakatakdang ipalabas sa darating na November 23. Ito’y mula sa magkatulong na panulat nina Enrico Santos at Daisy Cayanan at direksiyon ni Petersen Vargas and produced ng Star Magic Films.

Samantala, naniniwala ang DonBelle fans na may relasyon na ang dalawa bagama’t hindi pa ito inaamin sa publiko nina Donny at Belle.

SUBSCRIBE, like, SHARE, and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE