Alden

Alden, dapat gawan ng paraan ang gusot sa E-Heads concert

September 23, 2022 Jun Nardo 378 views

TO the rescue kaya at gawan ng paraan ni Alden Richards upang maayos ang sigalot sa reunion ng Eraserheards sa December?

Isa si Alden sa investors para sa concert na ito ng banda gaya ng inanunsiyo niya sa kanyang Instagram.

Ang gusot ay kaugnay kay Marcus Adoro tungkol sa umano’y kinasangkutang abuses noong 2019.

Ayon sa manager ni Ely Buendia, isa sa conditions niya bago tanggapin ang project reunion ay ayusin ni Marcus ang issues laban sa kanya dahil kung hindi, eh, hindi makikipagtrabaho si Ely sa kanya.

Ipinangako raw ito ng management ni Marcus kaya naman kinonsidera ang project nina Ely at Diane.

Naku, oras na para pumasok sa eksena si Alden at alamin ang puwedeng gawin para matuloy ang concert na marami na ang naghihintay, huh!

DENNIS, BALIK-SERYE

BUHAY na buhay ngayon ang fans ni Dennis Trillo dahil after ng huli niyang ginawa sa GMA na The Legal Wives, mapapanood muli ang idolo sa historical portal series na Maria Clara at Ibarra.

This time, pamilyado nang tao si Dennis. May anak na sila ni Jennylyn Mercado pero ang makakasama ni Dennis ay sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose.

Isa si Dennis sa mga pambato ng GMA sa primetime bukod kina Dingdong Dantes at Alden Richards.

Anong show kaya sa Kapuso ang papalitan ng Maria Clara at Ibarra sa October 3?

AUTHOR PROFILE