Cong. Lani sa mga misis na dumaraan sa matinding pagsubok: Dasal lang
SA lunch chikahan para sa 56th birthday ng mister niyang si Sen. Bong Revilla, nahingan si Cong. Lani Mercado ng mensahe para sa mga misis na dumaraan sa mabigat na pagsubok gaya na lamang ni Tanya Bautista, maybahay ng kontrobersyal na TV host-comedian na si Vhong Navarro.
Ani Cong. Lani, “Ano, dasal talaga. There are times na hindi mo na talaga kaya. Itataas mo talaga sa langit. Pero you always have to be strong, especially if you have children. You have to be strong.
Ikaw ‘yung ilaw, ikaw ‘yung magiging pedestal. Although there are times talaga na tao ka lang at kailangan mong ihinga. Ihinga mo. Kasi if you keep it within, mahirap. Baka mag-breakdown.
Mahirap, mahirap. So, itaas lang lahat.
“Dapat talaga strong ‘yung iyong support system, kailangan matibay. Sila ‘yung nagli-lift up sa ’yo,” aniya pa.
Matapos ang dagok na pinagdaanan ng kanilang pamilya, ani Cong. Lani, so far ay busy muli silang mag-anak sa pagseserbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Bukod kasi kina Sen. Bong at Cong. Lani, kongresista rin ang mga anak nilang sina Jolo at Bryan (Agimat partylist). Board member naman si Ram, na kasama rin ng mag-asawa sa intimate press lunch.
“So far, nakatutok lahat sa aming mga trabaho. Importante ngayon i-prove namin ang aming mga sarili sa mga botante namin,” kwento ni Cong. Lani.
Although busy sa trabaho, bukas pa rin naman daw siya sa muling pag-aartista basta’t hindi makakaistorbo sa workload niya sa Kongreso.
Sa pagkakatanda niya, ang last guesting niya ay sa Eat Bulaga pa. Meron daw namang offers para gumawa ng pelikula, tulad na lang ng HBO, kung saan inalok siyang gumanap sa isang remake o adaptation.
“Pwede naman as long as it will not disrupt my work, lalo na kung naka-recess period, ‘yan, pwede ‘yan,” ani Cong. Lani.
By October, bibiyahe sila pa-Europe para mag-ninong at ninang sa kasal ng isang kaibigan sa Vatican.
Bukod sa bakasyon, may trabaho pa rin daw na kasama ang nasabing trip.
Pero bago iyon, may bonggang pasabog muna ang pamilya Revilla para sa birthday ng senador bukas, September 25, 6 p.m.
Tinawag na “Alias Pogi Birthday Giveaway,” mamimigay sila ng bonggang mga papremyo gaya ng dalawang brand new cars, 10 motorsiklo at sandamakmak na cash prizes.
Lahat ‘yan, mapapanalunan sa panonood nang live sa programa sa Facebook page ng aktor-politiko bukas ng gabi.