Manny Pacquiao

Pinoy celebrities nakipag-prayer meeting kay Pacman

August 2, 2021 Aster Amoyo 1426 views

ANG Los Angeles, California, USA-based actors na sina Edgar Mande at BB Gandanghari (Rustom Padilla) ay dalawa sa dumalo sa Bible Study na ginanap sa bahay ng Filipino boxing hero at senador na si Manny Pacquiao sa Plymouth Blvd. in L.A. Ito’y ginanap nung July 31 (Saturday). Isa ang L.A-based Filipina businesswoman na si Ami Almerol sa mga close friends ni Pacman in L.A. at isinama naman nito sina Edgar at BB Gandanghari.

Excited si Edgar sa first meeting niya with Sen. Pacquiao na sobra umano ang bait.

“Sobra akong na-starstruck,” ani Edgar na matagal nang naka-base sa L.A.

Si Edgar ay isa sa stars of the 80’s and 90’s bago ito nag-desisyon na mag-migrate sa Amerika. During his peak ng kanyang career ay marami siyang movies na ginawa na kanyang sinimulan in 1981 sa pamamagitan ng “Boystown”. Some of the movies he did include “Underage,””Laban Ko Ito: Walang Dapat Madamay,” “Iiyak Ka Rin,” “Naiibang Hayop,” at marami pang iba.

Lahat ng dumalo sa Bible study ay sumailalim ng swab test gayundin ang mga taong nakikipagkita sa boxing champ-politician.

Cher ikakasal na

IKAKASAL na rin sa wakas ang kaisa-isang anak ng dating Sampaguita matinee idol na si Roger Calvin, ang KTLA award-winning TV news anchor na si Cher Calvin who turned 47 last Sunday, August 1, sa kanyang longtime businessman boyfriend na si Aki sa Linggo, August 8.

Roger Calvin

The couple are inviting about 120 of their family members and friends to their wedding ceremony and reception na gaganapin sa Beverly Hills Hotel.

The Filipino-American TV host-anchor=-actress was born in New York, USA at siya’y nagtapos ng BA in Broadcast Journalism sa New York University. The six-time Emmy awardee for news journalism is also a four-time awardee ng Golden Mike Awards.

Bago naging news anchor sa Amerika, si Cher ay naging isa rin sa hosts ng fashion magazine show on ABS-CBN, ang “F!” maging ang “News Central” ng dating Studio 23 now ANC.

Bago napunta sa KTLA si Cher ay naging news anchor din ng KVVU in Las Vegas, Nevada for Fox5 news “This Morning” na siyang pumalit kay Sharon Tay. Nakagawa rin siya ng ilang pelikula sa Amerika which include “Hancok,” “Chuck,” “Criminal Minds” and “The Closer” where she portrayed herself as reporter with KTLA.

Five years ding namirmihan si Cher sa Pilipinas before she decided to move back to the U.S. upang doon ipagpatuloy ang kanyang career bilang broadcast journalist.

Ever since ay very secretive si Cher pagdating sa kanyang private affairs. Back in Manila ay naging boyfriend niya ang Filipino-American actor na si Troy Montero na longtime partner ngayon ng actress-entrepreneur and social media influencer na si Aubrey Miles. When she moved to the US ay nagkahiwalay sila ni Troy. She also broke off with her Swedish-American boyfriend na sinundan ng isang nagngangalang Jerry Garcia. But she’s marrying her present boyfriend na kanyang nakilala in 2017 na nagngangalang Eric Araya (Aki).

Cher’s father, ang dating actor na si Roger Calvin na kasalukuyang nasa New York, USA will fly to L.A. in time for his only child’s wedding ceremony on August 8.

Sumakabilang-buhay na ang ina ni Cher, ang psychiatrist doctor na si Delia Santos-Calvin.

Julia at Coco magiging open na?

HINDI lamang si Julia Montes ang bagong character na papasok sa longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Kasama rin sina Rosanna Roces as Lolita, Tommy Abual as Armando, Vangie Labalan as Lucia, Marella Torre as Amor, Joseph Marco as Lucas. Ang iba pang bagong characters ay gagampanan nina Michael Flores, Chai Fonaciier at Elora Espano. Si Julia naman as Mara pero ayaw pang i-reveal kung siya’y kakampi o kaaway ni Cardo, ang main character ng serye.

Julia Montes

Hindi pa man nagsisimula ang taping ng bagong papasok na characters ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” hindi ikinakaila ng rumored girlfriend ni Coco na sobra umano siyang excited not only to work again with the actor-director kundi maging ang bumubuo ng cast. This is also the very first time na makakatrabaho niya si Coco not only as co-actor kundi bilang director.

Ang mga bagong papasok na new characters sa cast ay magisimulang mapanood sa ika-6th anniversary ng TV series in September this year.

Samantala, tuwang-tuwa ang fans nina Coco at Julia dahil natupad sa wakas ang kanilang hiling na muling magtambal ang dalawa sa telebisyon at pelikula. Si Coco ang personal na nagti-train ngayon kay Julia sa mga fight scenes, motorcycle stunts maging sa gun firing bilang paghahanda sa role niya as Mara. Tiyak na mapapasabak nang husto si Julia sa matitinding fight scenes sa “Ang Probinsyano”.

Ngayong balik-tambalan ang dalawa, maging open na kaya sila sa publiko tungkol sa estado ng kanilang relasyon maging sa kanilang rumored baby?

John Lloyd balik-showbiz para sa anak

BALIK-showbiz ang actor na si John Lloyd Cruz dahil kailangan din niyang mapaghandaan ang magandang future ng kanyang three-year-old son (kay Ellen Adarna) na si Elias Modesto.

John Lloyd Cruz

Although visible lately si John Lloyd sa GMA, wala pang balita kung tuluyan na siyang magiging Kapuso o gagawa pa rin siya ng proyekto sa Kapamilya network kung saan siya nagsimula at nakilala.

At 38 with a three-year-old son, John Lloyd has been linked to several women in the past which include Kaye Abad, Ciara Sotto, Shaina Magdayao, Ruffa Gutierrez, Angelica Panganiban, Liz Uy at Ellen Adarna pero wala siyang pinakasalan ni isa sa mga ito.

Ngayong nasa bakuran na ng GMA ang kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo, there is a big possibility na gumawa silang muli ng pelikula at teleserye. Labas pa ito sa napapabalitang sitcom na gagawin niya sa GMA na pamamahalaan ni Edgar `Bobot’ Mortiz at iku-co-produce umano ng GMA at ng produksyon ni Willie Revillame.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE